‘Peak’ ng COVID-19 infection, muli nang nararanasan -DOH

Pagbalik sa pre-pandemic mobility ng mga Pilipino, tintignang dahilan ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa

Inisa-isa ng Department of Health ang mga posibleng dahilan kung bakit muling tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay makaraang sumipa nang muli sa 4,259 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng record-high na 612 new cases.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tumaas na kasi ang mobility ng mga Pilipino.

Tila nasa pre-pandemic levels na raw kasi ang pagkilos ng publiko kabilang na ang pisikal na pagpasok sa mga trabaho at punuoang transportasyon.

Isa rin anila sa dahilan ay ang pagpasok ng mga mas nakahahawang subvariants ng omicron, pati na rin ang pagbaba ng immunity na ibinibigay ng bakuna.

Sa kabila nito, muling iginiit ni Vergeire na hindi pa rin maituturing na ‘case surge’ ang naitalang bahagyang pagtaas muli ng COVID-19 cases. (LGD)
#

Peak ng covid-19 infection, muli nang nararanasan sa bansa ayon sa Department of Health

Inihayag ng Department of Health (DOH) na nararanasan nang muli ang peak o rurok ng covid-19 infections sa bansa.

Dahil dito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na aasahan ang mas mataas pang bilang ng covid-19 cases na maitatala sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Vergeire, partikular nilang minomonitor sa ngayon ang National Capital Region (NCR), kung saan ay umabot sa 70% ang itinaas ng covid-19 infections doon.

Ipinunto ng kalihim na dumoble na ang average ng covid-19 cases sa NCR kumpara noong nakaraang linggo.

Dahil dito, iginiit ni Vergeire na kailangang mas maging aware ang publiko sa mangyayaring pagtaas pa ng covid-19 cases at sa posibleng epekto nito.

Sa kabila nito, sinabi muli ni Vergeire na hindi pa rin naman maituturing na hindi panibagong surge ng covid-19 ang nararanasan ngayon sa bansa.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *