PH Govt: Walang pang widespread evac ng mga OFWs sa Israel, kasunod ng tensyon

Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno ng Pilipinas sa mga Pilipino sa Israel na gustong makakuha ng refuge sa bomb shelters sa gitna ng gulo sa pagitan ng Israel at Palestinian.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration administrator Hans Leo Cacdac, handa sila na magsagawa ng in-country evacuation sakaling lalo pang tumaas ang tensyon.

Bagama’t nasa 30,000 ang mga overseas Filipino workers sa Israel, tanging 400 lang ang nakabase sa conflict-affected areas.

Sa ngayon, sinabi ni Cacdac na wala pang immediate need para magsagawa ng mass repatriation. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *