PH, kinilala bilang world’s leading beach, dive destination sa World Travel Awards

Kinilala ang Pilipinas bilang world’s leading beach at dive destination sa World Travel Awards Grand Final Gala Ceremony 2022 sa Muscat, Oman.

Ito ang unang pagkakataon para sa bansa na makilala bilang world’s leading beach spot, habang pang apat na beses na bilang world’s top dive haven.

Kaugnay nito, natalo umano ng Pilipinas ang 18 beach at 10 dive destinations, kung saan kasama rin ang Maldives na nominated sa parehong kategorya.

Samantala, tatlong iba pang Philippine travel brands ang nakakuha ng top awards ngayong taon, na kinabibilangan ng Ascott Bonifacio Global City bilang World’s Leading Serviced Apartments 2022; Amanpulo bilang World’s Leading Dive Resort 2022; at City of Dreams bilang World’s Leading Casino Resort 2022.

Kinilala din ang Pilipinas at local brands bilang top spots sa Asya kabilang na ang Intramuros bilang Asia’s Leading Tourist Attraction 2022. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *