Zelensky sa G20: Panahon na para tapusin ang giyera ng Russia

Inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa  G20 summit sa Bali sa pamamagitan ng video address, na ngayon umano ang panahon para tapusin na ang “destructive” war ng Russia, at isalba ang libo-libong buhay.

Nagsalita si Zelensky sa harap ng iba’t-ibang lider kabilang na sila China’s Xi Jinping at US President Joe Biden.

Sa gitna nito, binatikos ng presidente ang inilarawan nitong “crazy threats” ng nuclear weapons na ginagamit umano ng mga Russian officials.

Samantala, nanawagan ang Ukrainian leader para sa expansion at indefinite extension ng grain deal sa pagitan ng United Nations at Turkey na nakatakdang magpaso sa November 19.

Mababatid na ang Ukraine ay isa sa world’s top grain producers, pero ang Russian invasion ang humarang sa nasa 20 million tonnes ng grain sa kanilang ports hanggang sa umabot ang kasunduan noong Hulyo. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *