Phivolcs, ibinabala ang elevated unrest ng Bulkang Taal

Ibinabala ng Phivolcs ang elevated unrest sa Bulkang Taal ngayong araw ng Martes.

Sa kanilang inilabas na volcano advisory, naitala ang 288 na volcanic quakes,  kabilang na ang 39 low frequency volcanic earthquakes at 249 volcanic tremor na tumagal ng isang hanggang 20 minuto.

Nananatiling nasa alert Level 2 ang bulkan at muling tumaas ang unrest o aktibidad nito.

Sa inilabas naman kahapon na advisory ng ahensya ay umabot sa 82 ang naitalang volcanic quakes at 67 na volcanic tremor.

Sa ilalim ng Alert level 2 ay pinaalalahanan ng ahensya ang publiko sa stream-driven o phreatic na pagputok, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *