PHO hiningi ang commitment ng mga Alkalde sa Camarines Norte sa implementasyon ng Universal Health Care

CAMARINES NORTE- Hiningi ng Provincial Health Office ang commitment ng mga Alkalde sa Camarines Norte kaugnay sa implementasyon ng Universal Health Care Law.

Sa  pagpupulong ng League of Municipalities (LMP) Camarines Norte Chapter na ginanap sa bayan ng Basud kahapon, sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na isa ang lalawigan sa tinitingnan na maging implementing site ng UHC ngayong taon.

Kaugnay nito ay kailangan umano commitment ng mga Akalde upang matugunan ang problema sa kalusugan.

Aminado naman si Francisco na hindi ito madali lalo na para sa mga Alkalde dahil ibinigay na lahat sa Local Government Unit ang procurement, hiring ng human resources for health  at iba pang function dahil sa devolution of power na bunga naman ng Mandanas law.

Umaaray ang mga LGU dahil ibinigay sa kanila ng trabaho pero binawasan naman ang National Tax Allocation (NTA).

Dito ay nabuksan muli ang posibilidad na magkaroon ng position paper ang dalawang kongresista ng Camarines Norte para i- delay ang implementasyon ng Mandanas law.

Tiniyak naman ni Francisco na handa siyang maupo at makipag usap sa mga Local Chief Executive para sa Local Investment Planning for Health (LIPH) 2024 at ipaliwanag ang mga insertion dito ng PHO na pupuno sa puwang ng mga LGU.

Ngayong taon ay unti- unti nang aalisin sa LGU ang HRH alinsunod sa devolution plan.

Mananatili naman ang HRH sa mga 5th class municipality at Geographically-Isolated and Disadvantaged Areas o GIDAs.

Sa GIDAs ay ibibigay pa rin ng national government ang mga serbisyo tulad ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) at HRH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *