Pilgrims mula sa ibang lugar patuloy ang pagdating sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong Semana Santa

CAMARINES NORTE- Patuloy ang pagdatingan ng mga pilgrims mula sa ibang lugar dito sa lalawigan ng Camarines Norte para sa kanilang Bisita Iglesia.

Ang mga ito ay nag- iikot sa iba’t- ibang simbahan  sa lalawigan para sa magdasal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng stations of the cross.

Kahapon, ilan lamang sa mga dumating sa lalawigan ay ang mga parishioners ng St. Luke the Evangelist Parish sa Digdigon, Goa, Camarines Sur para sa kanilang Lenten Pilgrimage.

Sa Holy Trinity Cathedral ay sinalubong sila mismo ni Bishop Rex Andrew Alarcon na ibinahagi ang ilang mahahalagang impormasyon sa kasaysayan ng Diocese of Daet at patungkol sa katedral.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Bishop Alarcon ipinaliwanag nito na ang pagbibisita iglesia, pagsama sa prusisyon, stations of the cross at pagsisimba ay mga devotional practices na nagdadala sa puso at kaluluwa sa higit na kongkretong gawa ng awa.

Hinimok din ng Obispo ang mga mananampalataya na samantalahin ang mga kumpisalang bayan sa mga araw ng Semana Santa.

Matatandaan na noon pang mga nakaraang araw ay ilang pilgrims na rin na nagmula sa Camarines Sur at Quezon ang nagsagawa ng bisita iglesia ditto sa lalawigan.

Simula noong Lunes ay naka-blue alert status na ang Camarines Norte kaugnay sa paggunita sa semana santa.

Ang Department of Public Works and Highways naman ay maglulunsad ng Lakbay Alalay simula ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *