Pimentel, tinangkang i-delay ang debate sa Maharlika Fund bill

Tinangka ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel IIIn na ipagpaliban ang debate sa kontrobersyal na panukalang batas na lilikha ng Maharlika Investment Fund.

Nag mosyon si Senate Majority Leader Joel Villanueva na simulan ang interpellation sa Senate Bill 2020 ngunit sumingit si Pimentel at hiniling na ipagpaliban ang sesyon ngayong araw dahil umano sa kakulangan ng quorum.

Nabigo si Pimente  matapos ang roll call, kung saan 16 na senador ang present sa plenaryo at nagpatuloy ang interpellation ng mga Senador.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sinubukan ng minorya na magkaroon  ng parliamentary tactics sa Maharlika fund.

Noong Enero, kumilos si Pimentel na baguhin ang referral ng Maharlika fund bills mula sa Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies na pinamumunuan ni Villar tungo sa Committee on Government Corporations and Public Enterprises na pinamumunuan ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Nabigo si Pimentel dahil ni-reject ng 19 na senador ang kanyang mosyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *