Pinagtataguan ng matataas na kalibre ng baril at bala ng mga NPA, nadiskubre

Nadiskubre ng mga awtoridad ang lugar kung saan  itinago ng New Peoples Army (NPA) ang ilang matataas na kalibre ng mga baril at bala sa Brgy. Calpi, Bulan, Sorsogon.

Kasunod ito ng nagpapatuloy na Law Enforcement Operation ng pinagsanib pwersa ng 22nd Infantry Valor Battalion, Bulan Municipal Police Station, 2nd Provincial Mobile Force Company, Police Regional Office 5 at RMFB5.  

Ayon sa mga awtoridad, narekober mula sa mismong lugar ang tatlong KG9 rifles at karton-kartong mga bala.

Matatandaan na nitong nakaraang lingo, nagkasagupa ang grupo ng hindi bababa sa 10 NPA at tropa ng gobyerno at nagkapalitan ng putok na tumagal ng halos 15 minuto.

Pinasalamatan naman ni Lt. Col. Allan Mangaser, Commanding Officer ng  22nd Infantry Valor Battalion sa suporta ng mga mamamayan sa pagsugpo ng terrorismo sa bayan.

Aniya, patuloy lamang na ipaabot sa kanila ang kaparehong impormasyon upang agad na mabigyang na aksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *