Pinakabatang alkalde ng Ecuador, natagpuang patay

Natagpuang patay sa isang sasakyan ang pinakabatang alkalde ng Ecuador na si Brigitte Garcia, kasama ang isang advisor.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang pagkamatay ni Garcia, ang 27-anyos na alkalde ng San Vicente, at Jairo Loor, matapos madiskubre ang bangkay sa lalawigan ng Manabi.

Kabilang ang alkalde sa partido ng Citizen Revolution ni dating Pangulong Rafael Correa.

Si Garcia ang pinakahuling political figure sa bansa na napatay kasunod ng pagpaslang kay presidential candidate Fernando Villavicencio noong Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *