Zanjoe Marudo at Ria Atayde, kasal na

It’s official! Ikinasal na ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo noong weekend sa isang civil wedding sa Quezon City.

Pinangasiwaan ni Mayor Joy Belmonte ang kasal sa harap ng mga pamilya at malalapit na kaibigan ng mag-asawa.

Naganap ang civil wedding noong Sabado, March 23, bandang alas-3 ng hapon.

Si Marudo ang nag-post ng kanilang mga nakakaantig na larawan sa Instagram, kung saan niya rin binati niya si Atayde sa kanyang kaarawan, at tinawag niyang “My Wife.”

Unang kinumpirma ni Marudo na karelasyon niya si Atayde noong January 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *