Pinay boxer Petecio bigong masungkit ang Gold sa Olympics

Bigo si Pinay boxer Nesthy Petecio na masungkit ang gold medal kay Sena Irie ng Japan sa women’s featherweight division sa Tokyo Olympics.

Nahirapan si Petecio sa unang round subalit nakabawi ito sa 2nd round at 3rd round.

Sa kabila ng tila mas agresibo ang pinay fighter sa ikalawa at ikatlong round, unanimous dicision pa rin ang naging hatol ng limang judges pabor Japanese fighter.

Dahil dito mag-uuwi si Petecio ng silver medal na dagdag medalya sa unang ginto na nasungkit ni Hidilyn Diaz sa weightlifting para sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon kung saan mag-uuwi ng multiple medal ang bansa sa Olympics.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *