Pinay tennis prodigy Alex Eala, bigong makapasok sa W25 Manacor main draw

Hindi na nakaabot ang Pinay tennis prodigy na si Alex Eala sa main draw ng W25 Manacor sa Spain, matapos matalo kay Alice Rame ng France, sa score na 2-6, 4-6, sa third qualifier match, kahapon.

Si Eala ay mayroong 2-0 advantage sa second set sa pag-asang mapapantayan ang match, pero nakabawi si Rame, na siyang top-seed sa qualifying draw, para makuha ang ticket sa main draw.

Mababatid na ang Filipina tennis sensation ay nakaabot sa final game ng qualifying round, matapso matalo si Mia Chudejova ng Slovakia, sa 7-6, 6-3.

Matatandaan na noong nakaraang taon, binuksan ni Eala angseason sa kanyang breakthrough performance sa W15 Manacor tilt ng ITF Women’s World Tennis Tour sa Spain, kung saan napanalunahan nito ang kanyang kauna-unahang professional title.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *