CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 7 bagong kaso at 3 pagkasawi dahil sa COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte kahapon
Sa ipinalabas na case bulletin report ng DOH Bicol, ang mga bagong kaso ay naitala mula sa bayan ng DAet at Labo na may tigdalawang kaso habang may tig-i-isang kaso mula sa mga bayan ng Basud, Mercedes at San Lorenzo Ruiz
Umakyat naman sa 201 ang bilang nga manwalan ng buhay dahil sa COVID-19 habang walang naitalang nakarekober kung kaya’t nananatili ang bilang nito sa 2,493
Sa kabuuan, pumapalo na sa 3,571 ang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng virus simula ng maranasan ang pandemya