Ping Remulla nanumpa na bilang kinatawan ng ikapitong distrito ng Cavite

Nanumpa si Cavite seventh district representative Crispin Diego “Ping” Remulla, anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, bilang miyembro ng Kamara kahapon.

Si Remulla ang humalili sa kanyang ama, na nagbakante sa puwesto sa kongreso, matapos kunin ang posisyon ng Justice secretary.

Tinalo niya ang tatlo pang independent candidates matapos makakuha ng kabuuang 98,474 na boto sa Trece Martires City at mga munisipalidad ng Amadeo, Indang, at Tanza sa isang special election noong Sabado.

Sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na nasa 42.11% ang voters turnout sa special polls matapos mabilang ang 149,581 na mga boto mula sa 355,184 na rehistradong botante sa ikapitong distrito ng Cavite.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *