Pinoy weightlifter na si John Ceniza, target ang podium finish sa Olympics

Kasunod ng matagumpay na pagtatanghal sa 2024 International Weightlifting Federation (IWF) World Cup, ninanais ng Filipino male weightlifter na si John Ceniza na makakuha ng podium finish sa Olympics.

Aniya, araw-araw siyang nagsasanay at nagpupursigi upang makamit ang kanyang target na makapagbigay ng medalya sa Pilipinas.

Ikinatuwa rin ni Ceniza na nakapasok siya sa 2024 Olympics, lalo na’t mahirap mag-qualify ang lalaki rito.

Maalalang inanunsyo ng Philippine Olympic Committee (POC) ang kwalipikasyon ni Ceniza sa Olympics matapos makapagbuhat ng 132kg sa snatch at 168kg sa clean and jerk.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *