Pitong mangingisda huli sa paggamit ng pinagbabawal na compressor sa Cuyo

Huli ang 7 mangingisda na kinilalang sino Lyndon Manayum, 28 anyos, Donie Bahan Bacolod, 44 anyos, Richard Mahinay Gador, 30 anyos, Helarion Zabanal Ginaot, 39 anyos, Romnick Reyes Hintapan, 27 anyos, Jonathan Trazano Baybayanon, 41 anyos at Celso Zabanal Reyes, 46 anyos Pawang residente ng Sitio Tabunan Cuyo Palawan.

Ang mga mangingisda ay inaresto matapos na maaktuhan ng mga tauhan ng Cuyo PNP na gumagamit ng ipinagbabawal na compressor sa pangingisda sa karagatang sakop ng Bgy. Miringian Cuyo, Palawan bandang alas 2:40 ng madaling araw ngayong biyernes Ika-24 ng Setyembre, 2021.

Narekober sa mga ito ang (2) unit air compressor with tank, MOL 150 meters of plastic hose, (5) pcs diving goggle mask, (5) pcs spear gun, (1) pc compressor tank, 1-unit motorize banca with complete accessories. Humarap ngayon ang mga mangingisda sa kasong Paglabag sa Provincial Ordinance no. 18 series of 2005 Entitled: “Ordinance Banning the use of compressor as Breathing apparatus in all fishing Activities”.

Samantala, nasa kustodiya na ng Cuyo PNP ang mga mangingisda para sa tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *