PNP, babantayan ang halos 50 PAGs na posibleng manggulo sa BSKE

Muling tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nito para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabatan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PNP-Public Information Office (PNP-PIO) chief Brig. Gen. Red Maranan na naka-schedule na ang preperasyon para sa BKSE at otomatiko itong ia-activate sa oras na mag-umpisa na ang eleciton period mula sa filing ng certificate of candicacies (COCs) at sa campaign period.

Mas paiigtingin din daw nila ang implementasyon ng gun ban sa pakikipagtulungan ng PNP sa Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang Committee on the Ban on Firearm and Security Concerns ng Commission on Elections (COMELEC) na pinangunahan ni Commissioner Aimee Ferolino.

Sa ngayon, mayroon pa raw nasa 48 mga private armed groups ang kanilang mahigpit na binabantayan na posible raw magamit para manggulo sa halalan.

Pagtitiyak ni Maranan, agad nila itong bubuwagin nang sa gayon ay hindi na magamit pa sa BSKE.

Tuloy din ang koordinasyon nila sa poll body at sa kanilang intelligence unit para naman matukoy ang mga eleciton hotspot areas. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *