PNP  Camarines Sur kaisa sa paggunita ng kabayanihan ng SAF 44

NAGA CITY-Wala mang malaking pagtitipon sa Police Provincial Command , kaisa ang PNP Camarines Sur sa paggunita ng kabayanihan ng Fallen 44.

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni CSPPO Spokesperson  PLtCol. Maria Victoria Abalaing  na sa Regioal Office 5 ang sentro ng  National Day of Remembrance para sa mga miyembro ng Special Action Force na tinawag na Fallen 44 o ang mga nasawi sa madugong engkuwentro laban sa Moro Islamic Liberation Front noong January 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao.

Gayunpaman ang bawat Municipal Police Station at mga unit ay may paraan sa pagsaludo sa SAF. Sa 44 kasama ang mula sa Virac, Catanduanes na si PS/Insp Max Jim R. Tria.

Nagpapasalamat si Abalaing dahil wala silang problema sa mga LGUs  at mga katuwang na unit ng otoridad pagdating sa anumang mga operasyon sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *