PNP ,inatasan na ng COMELEC na aksyunan ang mga vote-buying reports

Inataasan na ng Commission on Elections ang Philippine National Police na aksyunan ang mga natanggap na reklamo hinggil sa mga insidente ng pagbili ng boto.

Ayon kay COMELEC Commisisoner Aimee Ferolino na namumuno sa Task-Force Kontra Bigay, pinakikilos na nila ang mga law enforcement agencies para mapanagot na ang mga pulitikong sangkot sa vote-buying at ang mga botanteng nagbebenta ng boto.

Samantala, sa hiwalay na pulong balitaan, sinabi ni PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao na inaasikaso na ng kanilang tanggapan ang lahat ng mga violations o paglabag sa batas na mayroong kinalaman sa eleksyon.

Aniya, doble kayod sa ngayon ang kanilang security task force para maresolba ang mga election-related cases, pati na rin ang mga election related violence.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *