PNP, pinaigting ang kampanya vs. private armed groups ngayong papalapit na ang 2022 elections

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon laban sa mga private armed groups (PAGs) at loose firearms habang papalapit na ang 2022 national elections.

Sa isang statement, sinabi ni PNP chief  Gen. Guillermo Eleazar na ito ay para matiyak na credible, maayos at mapayapa ang isasagawang eleksyon sa 2022.

Ayon sa PNP chief, hindi lamang Mindanao ang tututukan ng PNP kundi lahat ng lugar sa bansa.

Aniya, batid nilang my ilang pulitika na gumagamit ng private armed groups para sa pansariling mga interes para maipanalo ang kandidatura gamit ang dahas.

Tiniyak ni Eleazar na pinupulido na ng PNP ang security measures para sa darating na halalan ngayon pa lamang para masigurong walang aberya o kaguluhan sa halalan mula sa paghahain ng candidacy hanggang sa deklarasyon ng panalo.

Ayon sa National Task Force on the Disbandment of PAGs, mahigit 130 armed groups ang mino-monitor sa Mindanao pa lamang.

Samantala, sinabi ng isang non-partisan coalition group na kailangan ng Commission on Elections (Comelec) ng karagdagang funding para matiyak na magiging ligtas, patas at libre ang 2022 national elections sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *