16 na panibagong nasawi, 139 new cases and recoveries sa COVID-19 naiulat sa Bicol

BICOL—Pumalo na sa 570 ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng panibagong 16 base sa ulat ng Department of Health (DOH) Bicol ngayong araw. Walo nito ay mula sa lalawigan ng Sorsogon, pito sa Camarines Sur at isa sa Naga City.

Pareho namang 139 ang bilang ng mga bagong kaso at mga gumaling. Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso lalawigan ng Camarines Sur na may 46 kung saan 20 nito ay mula sa lungsod ng Naga, tig-anim ang bayan ng Ragay at Tinambac, tatlo sa bayan ng Milaor, tigdadalawa ang mga bayan ng Libmanan, Nabua at Pili at tig-iisa ang mga bayan ng Calabanga, Magarao, Minalabac, San Jose at Tigaon.

27 na bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Masbate kung saan 13 nito ay mula sa lungsod ng Masbate, tig apat ang bayan ng Dimasalang at Mobo, tatlo sa bayan ng Aroroy at tig-iisa ang mga bayan ng Cataingan, Mandaon at Palanas.

22 na bagong kaso ang naitala sa Albay kung saan siyam nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, lima sa bayan ng Daraga, dalawa sa bayan ng Guinobatan at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Malinao, Pio Duran, Polangui, Rapu Rapu at Sto. Domingo.

22 ding kaso ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 13 nito ay mula sa bayan ng Bulusan, tigdalawa ang bayan ng Barcelona at Irosin at tig-iisa ang mga bayan ng Bulan, Donsol, Gubat, Pilar at Sta. Magdalena.

16 na bagong kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan siyam nito ay mula sa bayan ng Daet, tigdadalawa ang mga bayan ng Labo, Mercedes at Paracale at isa sa bayan ng Sta. Elena.

Anim na kaso ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes, tatlo sa bayan ng Viga at tatlo rin sa bayan ng Virac. Sa kabuuan, ay umaabot na sa 17,953 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa Bicol mula noong March 2020.

Samantala, 139 na mga bagong gumaling din ang naitala kung saan 50 ang mula sa Albay, 50 rin sa Camarines Sur, 34 sa Sorsogon at lima sa Catanduanes kung kaya sa kabuuan, pumalo na sa 10,971 ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *