PNP Regional Command, magsasagawa ng ‘One Stop Shop’ Caravan sa pagkuha ng LTOPF

Sa hangaring mailapit  ang mga serbisyo ng PNP, isasagawa ng PNP Regional Civil Security Unit (RCSU) PRO5 ang dalawang araw na one-stop-shop caravan para sa pagkuha ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF), Provisional License to Own and Possess Firearms o PLTOPF at Firearms Registration sa Camp Salvador Escudero sa lungsod ng Sorsogon.

Magsisimula ito sa Mayo 17-18 nitong taon, simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Ang LTOPF Caravan ay isang programa upang mabigyan ng serbisyo ang mamamayan ng lungsod at mga karatig lugar na makapag-renew, makapag-apply ng license to own and possess firearms at makapagparehistro ng kanilang mga baril.

Layunin din nitong matugunan ang problema ng probinsya patungkol sa mga napasong mga rehistro ng baril.

Iniaalok din ang iba pang serbisyo katulad ng Neuro-Psychiatric Examination, Drug Test, National Police Clearance at Gun Safety and Responsible Gun Ownership Seminar.

Ang caravan ay malaking tulong para sa mga aplikante, para hindi na sila lumuwas ng probinsya, upang kumuha ng LTOPF, at magiging mas madali na rin ang pagproproseso ng pagkuha ng nasabing lisensya.

Base sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, ang loose firearms ay yaong mga expired ang registration at walang registration at yaong mga ni-revoke sa pamamagitan ng resolutions o kaya court order.

Nakapaloob sa nasabing batas ang kaparusahang reclusion temporal depende sa anong caliber o light weapon para sa lalabag dito.

Payo naman ng PNP, para maiwasang magkaroon ng aberya ay isurender na lang muna ‘yong mga expired firearms habang pino-proseso ang mga LTOPF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *