PNP sa 2022 poll bets: Wag magbibigay ng ‘permit to campaign’ fees sa CPP-NPA

Umapela si Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar sa mga politicians na huwag magbayad o magbigay ng “permit-to-campaign” fees na umano’y kinokolekta ng mga rebeldeng grupo.

Ayon kay Eleazar, ang mga kumunistang rebelde ang kadalasa’y nakikinabang sa halalan sa pamamagitan ng paghihingi ng “permit-to-campaign fees” mula sa local at national candidates.

Dagdag ng PNP chief, ang pagbibigay ng mga kandidato sa CPP-NPA ay wala ring pinagkaiba sa pagsuporta sa mga rebeldeng komunista at sa kanilang paghahasik ng karahasan sa mga komunidad.

Babala nito, maaring managot sa special laws ang mga kandidato na magbibigay ng financial support, gaya halimbawa ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa CPP-NPA bilang terrorist organization sa ilalim ng Proclamation No. 374 kaugnay sa Section 3 (e) (1) ng Republic Act No. 10168 o ang Terrorism and Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Maari ring papanagutin ang political candidate bilang principal sa terrorist activities sa ilalim ng Section 12 ng Anti-Terrorism Act of 2020 at haharap sa kaso sa ilalim ng Omnibus Election Code of the Philippines. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *