PNP, sinimulan ang mahigpit na checkpoints sa NCR Plus re: Delta variant

Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na monitoring sa mga motorista na dumadaan sa checkpoints sa National Capital Region Plus, sa layuning mapigilan ang lalo pang pagkalat ng Delta variant.

Sinisiguro ng mga otoridad na ang bawat sasakyan at pasahero na pumapasok ng Metro Manila ay authorized persons outside residence (APOR).

Kaugnay nito, hinihingan sila ng IDs at ang layunin ng trip.

Tanging ang may mga essential travel lang kasi ang pinapayagan na makadaan.

Maliban dito, tinitingnan rin ng mga pulis kung ang mga pasahero sa sasakyan ay sumusunod sa minimum health protocols, gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *