Police woman, natagpuang patay sa apartment nito sa Naga City

NAGA CITY – Patay ang isang policewoman nang matagpuan sa inuupahang apartment nito sa Naga City.

Sa ulat ng Naga City Police Office bandang alas-10 Linggo ng gabi Marso 26, 2023 nang dumating sa inuupahang apartment ng biktima ang dalawa pang kapwa pulis na kaisa nito sa apartment at nakitang may hawak na baril ang 26-anyos na tubong Albay. May tama rin ito ng bala. Kaagad silang tumawag ng ambulansya at Scene Of the Crime Operatives o SOCO para sa imbestigasyon.

Malalim na imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng NCPO.

Sa pagharap sa Media ng mga opisyal ng PNP kaninang umaga sinabi ni PMAJ. Juvy Llunar ang Station Commander ng Police Station 2  na hindi pa nila puwedeng masabi na insidente ito ng pagpapakamatay.

Hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon ng SOCO, subalit hindi nila isinasantabi ang mga anggulo o ang iba pang mga posibilidad sa pagkamatay ng biktima.

Minabuti ng BNFM at ng NCPO na huwag nang pangalanan ang pulis dahil kung sakaling insidente ito ng suicide may nararapat na protocol sa pag-uulat nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *