Polo na ginamit ni Francis M sa ‘Bagsakan’ isusubasta para sa miyembro ng Parokya na may cancer

Kasalukuyan nang naka-auction ang polo na ginamit ni Francis Magalona sa music video ng ‘Bagsakan’.

Ayon sa bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, ito ay upang makatulong sa medical bills ni Gab Chee Kee , ang gitarista ng Parokya ni Edgar na mayroong lymphoma,

Nasa P300,000 na ang pinakamataas na bid , ayon sa Parokya ni Edgar.

Nitong linggo lang din ibinahagi ng banda na nakalabas na ang gitarista sa intensive care unit ngunit patuloy pa ring lumalaban sa sakit na cancer.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *