Posibleng Epekto ng El Niño, pinaghahandaan na ng LGU Presentacion lalo na pagdating sa health at agriculture sector; supply naman ng tubig, sapat pa

NAGA CITY – Inalam at pinatutukan na ng Lokal na Pamahalaan ng Presentacion, Camarines Sur, ang mga sektor o area na maaaring maapektuhan ng posibleng epekto ng El Niño Phenomenon.

Tulad ng sa Health, Agriculture, sa kuryente, sa tubig at iba. Pinaghahandaan na rin ang mga posibleng aksyon lalo na sa agrikultura, sa mga paninim maging sa mga livestock, kung saan sa ilog lamang kumukuha ng patubig ang mga magsasaka.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Regina Bea, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng bayan.

Kung saan mas prayoridad din nila ngayon ang sa kalusugan ng mga residente, dahil marami nang insidente ng mga nahe-heat stroke, marami na ring nagkakasakit sa balat dahil sa sobrang init ng panahon na nararanasan, na ginagawan na rin ng mga interbensyon lalo na ng Municipal Health Office.

Pagdating naman aniya sa supply ng tubig sapat pa ngunit kailangang panatilihin na may mga sakop ng Partido Development Administration-Partido Water Supply System o PDA-PWSS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *