Pre-disaster risk assessment training (PDRA) para sa mga BDRRMC sa ilang mga barangay sa Camalig, Albay, isinagawa

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng isang training para sa Pre-Disaster Assessment (PDRA) sa mga BDRRMCs ng dalawang barangay sa bayan ng Camalig, Albay na kinabibilangan ng Magogon at Palanog.

Layunin ng pagsasanay na ito na palawakin ang tugon pagdating sa mga sakuna lalo na sa mga grassroots levels.

Dagdag pa rito, naglalayon din ito na palakasin ang mga pamamaraan na may kaugnayan sa mga sakuna at walang sawang hikayatin ang komunidad na maiwasan ang pagkakaroon ng mga pinsala o casualties na maaaring idulot ng mga kalamidad.

Nakasentro ang gawain sa risk-based planning ng mga BDRRMCs na isa sa pinakakinakailangang inisyatibo sa pagsusuri at pag-aalam ng mga posibleng panganib.

Samantala, tinalakay din umano ang ang mga pamamaraan at tugon kaugnay ng kasalukuyang sitwasyon ng Bulkang Mayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *