Pre-Membership Seminar ng CANORECO gagawin na via zoom

CAMARINES NORTE- Wala na munangĀ  face to face Pre Membership Seminar (PMS) ang Camarines Norte Electric Cooperative sa gitna pa rin ng banta ng Coronavirus disease (COVID- 19.

Batay sa anunsiyo ng CANORECO nitong Miyerkules ang mga nagnanais na mag- aplay ng kuntador ay magkakaroon ng seminar na isasagawa sa pamamagitan ng ZOOM para na rin sa kaligtasan ng lahat mula sa banta ng sakit.

Ang mga nagnanais mag- aplay ng kuntador ay maaaring tumawag o mag text sa hotline numbers ng nakakasakop na Area office o service center upang magpalista.

Magbibigay na lamang daw ng abiso ang staff ng naturang kooperatiba ng kuryente para sa PMS.

Samantala, ipinapaalam din sa mga member consumer na magbubukas na ang lahat ng Tellerring ng lahat ng Area office at service centers ng CANORECO hanggang alas 6 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.

Habang ang Daet Tellering naman ay bukas hanggang Sabado mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Paalala ng naturang kooperatiba ng kuryente na magbayad ng maaga para maiwasan ang multa at pagkaputol ng serbisyo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *