Presyo ng basic necessities at prime commodities wala pang naging pagalaw sa kabila ng 5 magkakasunod na linggong pagtaas ng mga produktong petrolyo

CAMARINES NORTE – Wala pang naging paggalaw sa presyo ng Basic Necessities and prime commodities sa mga grocery store sa Camarines Norte kabila ng limang magkakasunod na linggong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay ito sa pinakahuling monitoring ng Department of Trade and Industry sa mga produktong nasa kanilang hurisdiksyon.

Ayon kay DTI Consumer Protection Head Gary Rafanan, posibleng magkaroon ng paggalaw sa presyo kapag nag- replenish na ng suplay ang mga grocery store.

Inaasahan kasi ang additional transport cost at pagtaas sa presyo ng raw materials dahil sa patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Sa ngayon naglalaro sa P13. 25 hanggang P25. 25 ang presyo ng de latang sardinas. Naglalaro naman sa P7. 30 hanggang P8. 75 ang presyo ng instant noodles, P10. 50 hanggang P26. 40 sa iodized at rock salt, P13. 75 hanggang P49 ang toilet soap, P19. 75 hanggang P52. 05 sa detergent o laundry soap at P58. 50 hanggang P85 sa tinapay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *