Presyo ng mga pangunahing bilihin sa Isabela, hindi pa apektado ng nararanasang oil price hike – DTI Isabela

Nilinaw ng Department of Trade and Industry Isabela na hindi pa nakakaapekto sa presyo ng basic necessities and prime commodities sa Lalawigan ng Isabela ang nararanasang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa Isabela Provincial Information Office, inihayag ni DTI Isabela Provincial Director Ma. Sofia Narag na ang sunod-sunod na oil price hike ay hindi pa nakakaapekto sa presyo ng bilihin.

Aniya, batay sa kanilang monitoring noong March 4, 2022 ay nananatili pa rin ang prevailing price at walang paggalaw sa Suggested Retail Price ng mga Pangunhing bilihin.

Maliban lamang umano sa pitong Stock Keeping Unit ang nabago ang presyo kung saan kinabibilangan ito ng bottled water na mula sa 15 pesos kada 500ml ay mabibili na ito ng 16.25 pesos.

Kabilang pa sa tumaas ang sardinas na ngayon ay 20 pesos na, condensed milk na 56 pesos na, tinapay, bar soap, noodles at iba pang canned goods.

Ang pagtaas umano ng SKU na nasabing mga produkto ay dahil sa high acquisition cost na epekto ng SRP adjustment noong January 27, 2022.

Ayon pa kay PD Narag, sapat pa naman umano ang supply ng mga pangunahing bilihin sa probinsya dahil wala aniyang nangyayaring pagkaantala ng delivery mula sa mga supplier.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *