Promosyon ng generics at kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na suplay nito, isinusulong ng DOH-Bicol kasabay ng pagdiriwang ng Generics Awareness Month

BICOL – MULING binigyan-diin ngayon ng Department of Health o DOH-Bicol ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat aa kaalaman ng publiko kaugnay sa mga generics at pagtitiyak nna may sapat na suplay nito.

Ito ay bilang pakikiisa rin ng ahensya sa paggunita ng Generics Awareness Month ngayong buwan ng Setyembre na temang “Paigtingin ang Suplay, Generics gawing Abot-Kamay”.

Kaugnay nito, hinihikayat din ang mga Bicolano na makiisa sa ikakasang webinar ngayon araw, Setyembre a-kinse sa ganap ikawalo ng umaga via Cisco WebEx.

Ang Generics Awareness Month ay ipinagdiriwang alinsunod sa deklarasyon ng Generics Act  na pinirmahan nooong September 13, 1988.

Layon ng Generics Act na isulong at tiyakin na may suplay ng mga gamot na kilala sa kanilang mga generic names.

Samantala, patuloy namaan ang DOH sa rehiyon sa kanilang mga programa at adbokasiya kugnay sa paggamit ng generics at maitutulong nito sa kalusugan ng tao.

Inaasahang magiging tagapag salita sa nasabing aktibidad ang mga representante mula sa DOH Pharmaceutical Division, Philippine Pharmacists Association Inc. at iba pang kinatawan mula sa sektor ng medisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published.