Proteksyon sa pamilya ng mga witness sa Degamo slay, tiniyak ni Remulla

Tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang po-protektahan ng gobyerno ang pamilya ng mga witness sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Noel Degamo.

Ginawa ni Remulla ang katiyakan matapos magpahayag ng instensyon ang apat na suspek na sina Joric Labrador na isang dating sundalo, Joven Javier, Benjoe Rodriguez, and Osmundo Rivero, na kasalukuyang nasa kostodiya ng gobyerno na makipagtulungan sa imbestigasyon sa kaso.

Nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Javier at Rivero, na una sa apat na pumayag na magtulungan.

Una nang sinabi ni Remulla na malapit nang maresolba ang kaso ng pagpatay sa gobernador.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *