PRRD, pinatitiyak sa NGCP na matitigil na ang rotational power outages – Palasyo

Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga otoridad na hindi na magkakaroon ng rotational power outages sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inihayag ng Pangulo ang naturang direktiba sa pakikipagpulong nito na kasama ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) noong nakaraang linggo.

Dagdag ni Roque, binigyang diin ng Pangulo na ayaw na nito sa rotational brownouts.

Ipinunto naman ni Roque na bagamat nasabi ng mga opisyal ng NGCP sa Pangulo na meron silang legal na basehan sa pagbili ng kuryente, ay sinabi na para lamang ito sa pagsusulong ng stability ng grid at hindi para madagdagan ang supply.

Binigyang diin ni Roque na meron supply problem ang NGCP.

Nitong buwan lamang ay humingi na ng paumanhin si Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga nangyaring power outages na nakaapekto sa ilang bahagi ng Luzon.

Tiniyak naman ni Cusi na humingin na ito ng tawad para sa mga nangyaring power outages kamakailan na nakaapekto sa ilang bahagi ng Luzon.

Ipinunto naman ni  Cusi na nangyari ang outages dahil sa sunod-sunod na breakdown ng apat na malaking powerplants.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *