PRRD, sinabihan ang mga Pilipino na huwag magpaturok ng higit sa 2 doses

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na iwasan nang magpaturok ng higit sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine.

Inihayag ito ng Pangulo sa gitna ng kaniyang Talk to the People, kahit wala pang desisyon ang Department of Health kaugany sa boosters shots laban sa COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na delikado na kung sosobra sa dalawang doses ang ipatuturok na bakuna.

Ipinunto rin niya na marami ang magpagkakaitan ng vaccination kung pati third at fourth shots ay ibibigay sa mga bakunado nang indibidwal.

Mababatid na base sa huling analysis ng phone app data mula sa Zoe Covid Study, ay bumababa ang proteksyon na naibibigay ng two doses ng Pfizer at AstraZeneca vaccines sa loob ng anim na buwan.

Iminungkahi nito na kinakailangan ang booster shots para matiyak ang mas mahabang proteksyon na maibibigay nito laban sa virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *