PRRD tiniyak sa UN na pananagutin ang mga umabuso sa anti-drug operations

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng United Nations na hindi niya kinokunsinte ang alagad ng batas na umabuso sa kanyang kampanya kontra iligal na droga.

Sa kanyang video address sa 76th UN-General Assembly sinabi ng Pangulo na inatasan niya ang Department of Justice na i-review ang mga isinagawang operasyon na nagresulta sa pagkamatay ng mga drug suspects.

Sinabi ng Pangulo na kung sinoman ang mapapatunayan na lumagpas sa itinakda ng batas habang ginagawa ang operasyon ay pananagutin.

“I have instructed the Department of Justice and the Philippine National Police to review the conduct of our campaign against illegal drugs. Those found to have acted beyond bounds during operations shall be made accountable before our laws,” bahagi ng talumpati ng Pangulo.

Nabatid na una nang ipinag-utos ng International Criminal Court ang ‘full scale’ investigation sa umano’y talamak na paglabag ng batas sa mga isinagawang anti-illegal drug operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *