Pulis-Trento – trending matapos magpa-breast feed ng baby

Naibsan ang matinding gutom na nararamdaman ng isang buwang lalaking sanggol matapos kusang nagpasuso ang isa sa mga duty desk officer ng Women’s and Children Protection Section ng Trento Municipal Police Station.

Sa panayam nitong himpilan kay Police Staff Sergeant Queenilie L. Obongen na kusa siyang nagpadede matapos mapansin na humahagulgol ng iyak ang sanggol na bitbit ng kanilang kliyente na kumukuha lang ng police clearance.

Bilang isang ina at kakapanganak lang, boluntaryo itong nagpadede sa sanggol na nagugutom dahil walang gatas ang suso ng nasabing ina at naubos na rin ang dalang bottlefed formula.

Laking gulat ng nasabing pulis dahil malakas dumede ang nasabing sanggol. Saad pa ng ina ng nasabing sanggol na unang beses na nakatikim ang kanyang anak ng breast fed milk dahil nasanay ito sa bottle-fed dahilan na rin na walang gatas na lumalabas sa kanyang dede.

Umani naman ito ng positibong reaction sa social media matapos pinapurihan ang babaeng pulis sa makalingang ambag.

In The Heart Of Changing Lives ito si Brigada Christian Cabañas ng 105.5 Brigada News FM Trento, Agusan del Sur the Music and News Authority

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *