Pulisya, may ‘persons of interest’ na sa pagpaslang sa isang empleyado ng LGU-Esperanza sa Masbate

SORSOGON CITY – May ‘persons of interest’ na ang Esperanza PNP sa pagpaslang sa isang 40-anyos na empleyado ng LGU-Esperanza sa Brgy Masbaranon ng nasabing bayan.

Sa pahayag sa Brigada News ng imbestigador ng nasabing kaso, sinabi nito na may mga persons of interest na sila na iniimbestigahan habang apat na anggulo ang kanilang tinitingnan na motibo sa pamamaril-patay sa biktimang si Carlos Conag Comedia, binata at naninirahan sa Brgy Poblacion ng parehong bayan.

Si Comedia ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang ‘lone gunman’ habang dumadalo ito sa reception ng isang kasalan, hapon noong Mayo 9 nitong taon.

Apat na tama ng bala mula sa caliber 9mm na baril ang kumitil sa buhay ng biktima.

Kinondena ng LGU-Esperanza ang naturang krimen at agad na nag-alok ito ng reward money na P100, 000.00 para sa makakapagbigay ng impormasyon o makapagturo sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *