Rally vs. Ipilan Nickel Corporation, pinatitigil muli ng Korte

Pinatitigil muli ng Korte ang patuloy na rally ng mga Anti- Mining Group laban sa Ipilan Nickel Corporation sa barangay Maasin, Brookes Point Palawan.

Ngayong Lunes, inihain muli ang temporary restraining order (TRO) ng sheriff mag-aalas-otso ng umaga kanina ngunit hindi umano ito tinanggap ng maayos ng mga tutol sa pagmimina.

Ito ay nangangahulugan na dapat nang itigil umano ng mga Anti- Mining Group ang ginagawang protesta sa harap ng haul road ng Ipilan Nickel Corporation bilang kautusan ng korte.

Kung matatandaan, nitong March 13 ay pormal na inihain ng sheriff ang unang TRO sa mga raliyesta subalit hindi rin ito maayos na tinanggap ng mga raliyesta at sa halip ay nagpatuloy sila sa ginagawang rally hanggang ngayon laban sa Ipilan Nickel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *