Rank 9 Provincial MWP, arestado sa kasong pang-aabuso sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY — Arestado ang 31 anyos na lalaking tinagurian bilang Rank 9 Provincial Most Wanted Person sa Brgy. Rawis, Legazpi City dahil sa kasong may kinalaman sa pang-aabuso.

Nadakip ng mga otoridad ang suspek na kinilalang si alyas “Adonis” mula sa Castilla, Sorsogon sa isinagawang manhunt charlie operations sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Women and Children against Abuse, Exploitation and Discrimination.

Umabot naman sa PHP200,000 na halaga ang piyansang inirekomenda ng korte ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *