Rank No. 1 at 3 MWP, arestado sa magkahiwalay na lugar sa Sorsogon

Naaresto ng Magallanes at Pto Diaz MPS ang kani-kanilang most wanted person sa pinaigting na Sacleo o Simulatenous Anti-Criminality Law Enforcement Operations.

Si Juanesto Cedro Estolas, 58-anyos, may asawa, construction worker, residente ng Brgy Bulala, Magallanes ay hinainan ng kanyang warrant of arrest sa kasong acts of lasciviousness na may itinakdang piyansa na P180K.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ng RTC Br 65, Bulan, Sorsogon na may petsang Disyembre 9, 2022.

Si Estolas ay itinuturing ng Magallanes Police na kanilang No. 1 most wanted person.

Sa bayan naman ng Pto Diaz ay naaresto si Danilo Intian Jardenil, 58-anyos, biyudo, laborer at naninirahan sa Bgry Quidolog ng nasabing bayan.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 54 5th Judicial region sa kasong rape na walang itinakdang piyansa.

Itinuturing  Si Jardenil ng Pto Diaz Police na kanilang No 3 most wanted person.

Ang mga akusado ay iniharap na sakani-kanilang court of origin matapos sumailalim sa booking at dokumentasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *