Recoveries sa covid-19 sa Bicol pumalo na sa 14.5k matapos madagdagan ng 381 na bagong gumaling

BICOL—Umabot na sa 14,459 (74.64%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region matapos na makapagtala ng 381 na bagong recoveries.

148 nito ay mula sa Legazpi City; 139 sa Naga City; 54 sa Camarines Sur; 23 sa Albay; 16 sa Sorsogon at isa mula sa iba pang lugar sa labas ng Bicol.

Mayroon namang pitong panibagong nasawi kung kaya pumalo na sa 667 (3.44%) ang death toll. Apat nito ay mula sa Camarines Sur at tig-iisa ang Albay, Sorsogon at Naga City.

Samantala, 96 na bagong kaso naman ang nadagdag kung kaya pumalo na sa 19,371 ang total cases ng sakit, 4,245 (21.91%) pa nito anbg aktibong kaso.

23 sa mga bagong kaso ay mula sa Albay kung saan sampo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tigtatalo ang mga bayan ng Daraga, Manito at lungsod ng Tabaco, dalawa sa bayan ng Guinobatan at tig-isa ang bayan ng Bacacay at lungsod ng Ligao.

19 na bagong kaso ang naitala sa Catanduanes kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Caramoran, lima sa bayan ng Viga, tigtatlo ang bayan ng Panganiban at Virac at tig-isa ang bayan ng Bato at San Miguel.

18 bagong kaso ang naitala sa Camarines Sur kung saan apat ang mula sa Naga City, apat rin sa bayan ng Sipocot, tatlo sa bayan ng Pili, dalawa sa bayan ng Garchitorena at tig-iisa ang mga bayan ng Buhi, Calabanga, Lagonoy, Magarao at San Jose.

Ang lalawigan ng Sorsogon ay may 16 na bagong kaso kung saan pito nito ay mula sa Sorsogon City, tigdalawa ang bayan ng Bulan at Santa Magdalena at tig-iisa ang mga bayan ng Barcelona, Casiguran, Gubat, Irosin at Pilar.

Ang Masbate ay nadagdagan ng 12 bagong kaso kung saan tatlo ang mula sa Masbate City, tatlo rin sa bayan ng Mandaon, tigdalawa ang bayan ng Milagros at Mobo at tig-isa ang bayan ng Aroroy at San Jacinto.

Pitong bagong kaso ang nadagdag sa Camarines Norte kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Daet, dalawa sa bayan ng San Vicente at isa sa bayan ng Paracale habang mayroon namang isang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *