Red tagging Naga City binabantayan

NAGA CITY- Binabantayan ng nga barangay officials  ang mga aktibidad at  maging ang grupo na kinabibilangan ng mga kabataan para matiyak na hindi mapasama ang mga ito sa sinasabing “red tagging.”

Bukod diyan ay ang individual na kilalang miyembro ng progresibong grupo na nasa barangay para mag recruit.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Concepcion Grande Punong Barangay Michael Oliva, sinabi nito na inabisuhan niya na ang mga magulang sa lugar niya na tulungan silang imonitor ang bawat galaw ng mga kabataan. Aniya baka iba ang impluwensya ng kanilang mga sasamahan.

Una nang ikinagulat ng opisyal ang presensya ng mga militar sa isang sona ng barangay na sinasabing tinitirahan ng ilang mga miyembro ng progresibong grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.