Rehabilitasyon ng irrigation canal sa Burgos, Isabela, Isinasagawa

Isinasagawa na ng NIA- Magat River Integrated Irrigation System Division III ang rehabilitasyon ng dalawang irrigation canal sa Burgos, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, sa isang lokasyon, mayroon itong haba na 200 meters na layong matubigan ang 13 na ektaryang sakahan ng 26 na magsasaka habang sa isa naman ay 414.2 meters na mapapatubigan ang 25 na ektaryang sakahan ng 50 na magsasaka.

Sa kabuoan mayroon itong 614 meters na target mapatubigan ang nasa 38 ektaryang sakahan ng 76 na magsasaka.

Ang naturang proyekto ay istriktong binabantayan ng NIA MARIIS Divison III na susuriin naman ng MARIIS-EOD.

Layunin nito na magkaroon ng kontribusyon sa pagpapasagana sa produksyon ng ani sa naturang lugar.

Samantala, sa ilalim ng pamumuno ni NIA-MARIIS Division III officer in charge Engr. Isagani Conception, nagpapatuloy pa rin ang implementasyon ng concrete lining sa mga irrigation canals na nasasakupan ng Division III kung saan magtatagal umano ang mga Irrigation facility ng 40 na taon.

Nagpapatuloy naman ang polisiya ng ahensya na makapagbigay ng epektibo at mabilis na serbisyo sa pagpapatubig upang matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.

PHOTO|NIA-MARIIS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *