Reproduction number’ o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumaba na sa 1.34

Bumaba na sa 1.34 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng covid-19 sa National Capital Region.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa 1.39 na bilis ng hawaan noong nakaraang linggo.

Sinabi ni David na nasa 5854 naman ang 7-day average ng mga bagong kaso ng sakit sa Metro Manila kung saan 11 percent ang naitalang growth rate.

Inaasahan naman ng OCTA na mas mababa na ang maitatalang kaso ng covid-19 sa mga susunod na araw.

Sa pagtataya ng OCTA, posibleng umabot sa 14,000 hanggang 18,000 ang mga bagong kasong maitatala sa bansa kung saan nasa 4,000 covid-19 cases ay sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *