Resolusyon para sa mga mangingisda at pamilyang apektado ng gale warning, isinusulong ng SPA

Isinusulong na maipasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay ang isang resolusyong magbibigay-tulong para sa mga pamilyang apektado ng gale warning.

Hinihiling ni 2nd District Board Member Atty. Melissa Abadeza-Armedilla sa kanyang mga kawani sa sangguniang maisulong ang resolusyon na makapagbibigay benepisyo sa mga mangingisda at mga pamilyang apektado tuwing may gale warning dulot ng masamang panahon.

Ayon kay Abadeza, hinihiling niya ito lalo na sa mga mangingisdang lubhang naaapektuhan ng hanap-buhay sa mga pagkakataong hindi sila makapalaot at makapangisda dulot.

Hangad din ng kinatawan na kung sakali at sa tuwing may gale warning, magbibigay ang pamahalaang panlalawigan ng ayuda sa mga apektadong pamilya lalo sa mga mangingisda sa buong lalawigan.

Maliban dito, hiling din ni 1st District Board Member Victor V. Ziga, Jr., kay Emergency Board Member Dennise L. Misalonia na magkaroon ng pakikiisa at humingi rin siya ng mga konkretong plano at solusyon sa tulong ni APSEMO head Dr. Cedric Daep patungkol sa nasabing problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *