Resulta sa otopsiya sa labi ni Jullebee Ranara, makokompleto sa loob ng dalawang linggo pa

Hinihintay nalang ngayon ang magiging resulta ng isinagwang otopsiya sa labi ng pinatay sa overseas Filipino worker Jullebee Ranara sa Kuwait.

Nabatid na sinuri ng National Bureau of Investigation (NBI) ang external at internal injuries ni Ranara, upang matukoy ang mga circumstances na nagdulot sa pagkamatay nito.

Sinasabing dalawang linggo pa ang hihintayin bago makompleto ang histopathology at general toxicology examinations sa mga tissue samples. Samantala, ibinahagi ni DMW Undersecretary Hans Cacdac, na sumulat sa pamilya ng biktima ang Kuwait’s ambassador to the Philippines, na nagtitiyak na nagpapatuloy ang imbestigasyon at ibibigay ang nararapat na hustisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *