Revised guildelines sa departure formalities, mas pinadali na ayon sa DOJ

Ibinahagi ng Department of Justice (DOJ) na mas napababilis na ang revised guildelines sa departure formalities, at naging mas madali na rin sa mga Pilipino ang pag-travel abroad.

Ito ang naging tugon ni DOJ Assistant Secretary and Spokesperson Jose Dominic F. Clavano IV sa mga nag-aalala na ang 2023 Revised Inter-Agency Council Against Trafficking Guidelines sa Departure Formalities for Internationally-Bound Filipino Travelers na ipatutupad sa Septermber 3 ay magpapahirap pa sa pag-travel ng publiko.

Paliwanag ni Clavano, dinagdagan nila ang kategorya ng mga travelers, at mas nilinaw nila ang proseso.

Lahat aniya ng mga category na hindi naman vulnerable sa human trafficking ay mas napadali ang departure kumpara sa 2015 guidelines – na siyang tila nagtago o humarang sa mga alituntunin.

Maliban dito, hindi na rin umano nila sasabihan ang mga Filipino travelers na tiyaking ang kanilang mga clearance mula sa Commission on Filipinos Overseas (CFO) sakaling may bibisitahin ang mga ito abroad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *