Rita Daniela, magiging mommy na

Ibinahagi ng singer-actress na si Rita Daniela na magiging isang ganap na mommy na siya matapos mag-post sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Daniela, masaya siya dahil soon to be a mother na siya at wala umano siyang balak na ilihim ang pagbubuntis.

Aniya, naghanap lang siya ng tamang oras para sabihin at ipaalam sa publiko ang bagong blessing na tanggap sa buhay niya.

Samantala, sinabi ng aktres na excited na siyang makita ang anak kung saan sisiguruhin umano niya na may puso din ito para sa ibang tao. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *